Tayahin
Panuto: Basahin mo at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Anong mga produkto ng Pilipinas ang nilagyan ng limitasyon sa pagpasok sa
Estados Unidos?
A. bigas, asukal at tabako C. mais, tubo at pinya
B. saging, niyog at abaka D. bigas, niyog at pinya
2. Ang sumusunod ay mga batas ukol sa kalakalan at karapatan sa likas na
yaman ng Pilipinas, maliban sa isa. Ano ito?
A. Parity Rights C. Underwood-Simmons
B. Tydings-McDuffie D. Payne-Aldrich
3. Ano ang isinasaad ng Batas Underwood-Simmons?
A. Naglayong papasukin ang produktong Pilipino sa Amerika maliban sa bigas,
asukal at tabako.
B. Naglayong alisin ang mga restriksiyon sa lahat ng produktong pumapasok
sa pamilihan ng Pilipinas at Amerika.
C. Nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin
at pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
D. Nag-ambag ng mga makinarya para sa paggawa ng mga produkto ng
Amerika na ipagbibili sa Pilipinas at sa iba pang karatig bansa.
4. Kung ikaw ay isang negosyante, paano mo mahihikayat ang mga kabataang
Pilipino na tangkilikin ang produktong Pilipino?
A. Pagandahin ang kalidad ng produksyon
B. Dagdagan ang presyo ng mga produkto
C. Kontrolin ang katangian ng ating produkto
D. Pagkakaroon ng kalabisan at kakulangan sa mga produkto
5. Ano ang ipinalit sa pagmamano sa mga magulang na kaugalian ng mga
Pilipino?
A. Paghalik sa kamay
C. pagbati ng Hi
B. Pakikipagkamay
D. pagbati ng Ni Hao
(Pa Help Po No Apil Fools Day Ang Answer Po Niyo Please