Bakit kailangang pag aralan at pahalagahan ang karunungang bayan?


Sagot :

Answer:

Mga Dahilan kung Bakit Kailangang Pag-aralan at Pahalagahan ang Karunungang Bayan

  • Ang karunungang bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan ito ay nagiging daan upang maipahayag at maipabatid ang mga ideya at kaisipan na nabibilang sa bawat kultura at tradisyon ng mga tao.
  • Ang karunungang bayan ay nakakatulong sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.
  • Ang karunungang bayan ay sumasalamin sa magagandang kaugalian ng iba't ibang tribo at lahi.
  • Naipapabatid ang sariling kahusayan, mga kapintasan at kahinaan upag maging daan sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng kakayahan ng isang tao gayundin, natutuklasan ang sariling talino at kasanayan.
  • Ang karunungang bayan na isang bahagi ng panitikan ay nagpapabatid at nagpapakita ng pagiging isang tunay na Pilipino na marunong magmahal sa sariling kultura at magmalasakit sa sariling panitikan.

Halimbawa ng Karunungang Bayan (Folk Speech)

  1. Sawikain
  2. Salawikain
  3. Bugtong
  4. Palaisipan
  5. Bulong
  6. Kasabihan
  7. Kawikaan

  • Sawikain

Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.  

  • Salawikain

Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan. Ito ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay, karaniwang sambitin ito ngayon na pwede nating gamitin sa totoong buhay.  

Halimbawa ng Salawikain: brainly.ph/question/655595

  • Bugtong

Ang bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binubuo ito ng isa o dalawang taludtod na maikli at may sukat at tugma. Ang bugtong ay isa sa mga usong libangan ng mga bata noon hanggang ngayon. Ito ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan. Ang paglalaro nito ay patalasan ng isip at iinuturo rin ang mga ito sa klase.

Mga Katotohanan Tungkol sa Bugtong: brainly.ph/question/1121716

  • Palaisipan

Ang palaisipan ay gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Ito ay kilala rin bilang bugtong, pahulaan, o patuturan, ito ay isang tanong o pangungusap na may iba o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o hulaan. Ito rin ay payak at simple na umaasa lamang sa patudyong gamit ng tanong at sagot.  

Halimbawa ng Palaisipan: brainly.ph/question/258458, brainly.ph/question/496008

  • Bulong

Ang halimbawa nito’y ang sinasabi kapag may nadadaanang punso sa lalawigan na pinaniniwalaang siyang tinitirhan ng mga duwende o nuno.

  • Kasabihan

Ang kasabihan ay mgaay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Mother Goose o Nursery Rhymes. Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang diwa o mababaw ang isinasaad na kahulugan. Ito rin ay tumutukoy sa mga pangungusap na madalas nagpapakita ng magandang aral para sa mga tao.

  • Kawikaan

Ang kawikaan ay kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral sa buhay.

Para sa Karagdagang Kaalaman ukol sa pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan: brainly.ph/question/312596  

#LetsStudy