Sagot :
Mayroong dalawang pangunahing parte ang mga pangungusap. Ito ay ang simuno at panaguri. Ang simuno ay ang paksa o ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ang panaguri naman ay ang tumutukoy sa simuno o paksa. Kaugnay nito, ang mga halimbawa ng 10 pangungusap na may simuno at panaguri ay narito.
(Ang naka-salungguhit ay ang simuno, ang mga nasa makapal na sulat ay ang panaguri.)
- Ang mundo ay napakaganda. (simuno, panaguri)
- Si Maria ay masipag mag-aral. (simuno, panaguri)
- Nakakasilaw ang sikat ng araw. (simuno, panaguri)
- Si Mario ay malakas at makisig. (simuno, panaguri)
- Ang palabas na It's Showtime ay nakakatawa. (simuno, panaguri)
- Maingay kumain si Jona. (simuno, panaguri)
- Ang Singapore ay isang malinis at mapayapang bansa. (simuno, panaguri)
- Si Darna ay isa sa mga pinakasikat na karakter sa Pilipinas. (simuno, panaguri)
- Si Anna ay may maamong mukha. (simuno, panaguri)
- Ang pulitika sa Pilipinas ay magulo. (simuno, panaguri)
Iyan ang mga halimbawa ng 10 pangungusap na may simuno at panaguri. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.
- Mga halimbawa ng panaguri: https://brainly.ph/question/603492
- Kahulugan ng paksa at panaguri: https://brainly.ph/question/1056768 at https://brainly.ph/question/67834