Sagot :
"Hindi mabubuhay ang pag - ibig kung walang tiwala".
Ako ay sumasang - ayon sa sinabi ni Cupid na "hindi mabubuhay ang pag - ibig kung walang tiwala." Kalakip ng pag - ibig ang tiwala. Sa tuwing nagmamahal tayo, nagtitiwala tayo at umaasa na susuklian ng taong minamahal natin ang pag - ibig na iniaalay natin sa kanila. Ibinibigay natin ang ating buong tiwala sa mga taong ating minamahal kahit na minsan ang kapalit nito ay masasaktan tayo at mabibigo. Hangga't pinagkakatiwalaan natin sila ay patuloy tayong magmamahal at hangga't minamahal natin sila ay patuloy tayong magtitiwala. Patunay lamang na hindi mabubuhay ang pag - ibig kung walang tiwala.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pag – ibig na hindi mabubuhay kung walang tiwala:
- ang pag – ibig ng tao para sa Diyos at ng Diyos para sa tao.
- ang pag – ibig ng tao sa kanyang kapwa.
- ang pag – ibig ng tao para sa mga materyal na bagay.
Ang pag - ibig ng Diyos para sa sanlibutan at ng sanlibutan para sa Diyos. Sa kabila ng katotohanan na ang Diyos ay hindi nakikita ng tao ngunit mahal nila siya kaya naman patuloy silang nagtitiwala na siya ay kasama nila sa lahat ng oras. Patuloy nilang minamahal ang Diyos dahil sa mga bagay na ipinagkakaloob niya sa mga tao. Ang patuloy na paggabay at pagbibigay ng biyaya ay sadyang nakamamangha kaya naman lalo tayong napapamahal sa Diyos. Sa kabilang banda, ang Diyos ay patuloy na nagtitiwala sa tao sapagkat mahal niya tayo. Alam ng Diyos na likas na mabuti ang mga tao sapagkat sila ay nilikha niya na kawangis niya.
Ang pag – ibig ng tao para sa kanyang kapwa. Ang bawat tao ay may kanya – kanyang kakulangan at kahinaan. Isa sa mga itinuturing na kahinaan ng tao ay ang labis na pagmamahal. Sa tuwing nagmamahal ang tao, ibinibigay niya ang kanyang buong tiwala sa taong kanyang minamahal. Kalakip nito ay ang pagbibigay sa taong ito ng kapangyarihan na saktan o biguin ka. Kaya naman, hangga’t nagtitiwala tayo sa taong pinili nating makasama sa ating buhay ay tuloy ang pag – ibig. Ngunit sa oras na masira ang tiwalang ito, unti – unting mamamatay ang pag – ibig na kadalasan ay nauuwi sa hiwalayan.
Ang pag – ibig ng tao para sa mga materyal na bagay. Lahat ng tao ay may mga gusto. Ito ay karaniwang tumutukoy sa mga bagay na materyal na kanilang naiibigan. Ito ay maaaring isang malaki at magarang bahay, isang mamahaling sasakyan, at isang bagong cellphone. Ang mga bagay na ito ay pinaniniwalaan natin na makabubuti sa ating buhay at dahil sa paniniwalang ito ay sinisikap nating mabili ang mga ito at makapagpundar. Kapag ang mga bagay na ito ay nasira, nawawala na rin ang halaga ng mga ito sa atin kaya naman itinatapon na lamng natin at madalas ay pinapalitan.
Upang lubos na maunawaan kung bakit hindi mabubuhay ang pag – ibig kung walang tiwala, basahin ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/582234
https://brainly.ph/question/136397
https://brainly.ph/question/317526