Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Ipaliwanag

Sagot :

Si Venus  ang diyosang Romano ng pag-ibig, kagandahan, pagtatalik at pertilidad at ng kasaganaan. Pero ayon sa mitolohiya, Si Venus naiinggit kay Psyche dahil napukaw ng dalaga ang atensyon ng mga mamamayan lalo nang malamang mas nagagandahan ang mga kalalakihan kay Psyche. Kaya si Venus ay mayroong hindi magandang katangian gaya ng:

  • maiinggitin
  • selosa

Sino si Psyche? Alamin sa link na ito: https://brainly.ph/question/139462.

Ang Aral sa Selos at Inggit

Ang selos at inggit ay hindi magandang katangian dahil ito ay nagdudulot pa ng marami at sunod-sunod na kasamaan kapag labis na pinairal. Isa ring hindi magandang katangian ni Venus ang pagiging masyadong mapagmataas sa halip na dapat siya'y may malawak na pag-unawa bilang Diyosa. Ibig niyang siya lamang ang maganda sa lahat ng mga Diyos at para sa mga tao.  Ito ay pagiging sakim at ganid sa atensyon at papuri.

Gumawa rin siya ng mga paraan para mapahamak si Psyche.  Nabuo ng inggit at galit ang kanyang kasamaan. Ang pagiging INGGITERA, MAPAGMATAAS, MAPAGTANIM NG POOT, SAKIM AT MASAMA ay mga katangian ni Venus na hindi kaaya-aya. 

Malalaman mo ang pagsubok na ibinigay ni Venus kay Psyche sa link na ito: https://brainly.ph/question/599535.

Maliwanag na ang selos at inggit ay patungo sa poot, pagkapahamak at kamatayan. Paano maiiwasan ang poot? Subuking gawin ang mga sumusunod:

  1. Linangin ang pag-ibig pangkapatid.
  2. Makisama sa mga maibigin at huwag sa maiinggitin.
  3. Gumawa ng mabuti.
  4. Makisaya sa mga nagsasaya.

Malalaman mong kahit paano ay tumugon si Venus sa mga hakbang na ito. Ano ang patunay? basahin sa link na ito: https://brainly.ph/question/641967.