Sagot :
Answer:
Layunin ng simbahan na itataguyod ang mga tao sa magandang pag-uugali at magkakaroon ng kaugnayan sa Diyos. Magkakaroon lamang ng pagmamahal sa Diyos ang tao kung ito'y huhubugin ng simbahan na sambahin ang Diyos sa wastong paraan. Kung ano ang natutunan ng tao mula simbahan ay yun din ang ikinapit niya sa kanyang pagkatao. Kahit alam natin na mahal tayo ng Diyos pero depende nadin sa natutunan nating aral mula sa mga nagtuturo sa atin kung paano tayo tumugon nito. May karagdagang layunin pa ang simbahan para sa ating lipunan.
Explanation:
Karagdagang layunin ng simbahan:
1. Upang matututo ang mga tao sa paggawa ng kabutihan at salita ng Diyos kung saan pwede sa lahat na interesado nito.
2. Baguhin ang lipunan upang ang daigdig ay maging mas mainam at mapayapang lugar.
3. Layunin nito na hubugin at iukit ang moralidad sa ating lipunan.
4. Magkakaroon ng takot upang makaiwas sa paggawa ng masama.
5. Upang malaman ng lipunan ang pamantayan ng Diyos.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa impluwensiya ng simbahan ay maaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/549925
Makakatulong ng lubos sa tao ang pagkakatuto tungkol Diyos kung siya mismo ay may pagpapahalaga sa kanyang mga natutunan. Maaaring di importante ang mga itinuturo kung wala namang kagustuhang matuto ang tao. Ang simbahan ay maihalintulad natin ito sa paaralan. Bakit?
Mga halimbawa:
- Pag-aaral ng salita ng Diyos.
- Matutunan ang mabuting kalooban ng Diyos at totoong kinabukasan na di panandalian kundi hanggang wakas.
- Matutunan ang tungkol sa paglikha at hindi ebolusyon lang. (Apocalipsis 4:11)
- Malalaman kung paano umiral ang buhay ng tao, hayop, at lupa kung saan mababasa ito sa Genesis.
- Malalaman din kung anong taon naglingkod ang mga Hari, Propeta, Jesus, at ibang pang mga tao sa lupa.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa impluwensiya ng simbahan ay maaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/2002377
Ang mga itinuturo ng simbahan ay pawang nasa Bibliya din kung kaya't para ka ring nag-aaral dahil madami kang matutunan mula dito. Ang Bibliya ay naglalaman ng maraming paksa.
Mga halimbawang paksa (subject):
1. Math- may kalkulasyon sa Bibliya kung anong taon umiral si Jesus sa lupa.
2. History- ang mga Haring sunod-sunod na naglilingkod at mga taon kung kailan ang mga Propeta ginamit ng Diyos na Jehova sa bawat pangyayaring nahula na.
3. Science- ipinapaliwanag sa Bibliya kung paano ginawa ng Diyos ang tao at hindi sa unggoy. Kung paano ginawa ang lupa at ang lahat ng mga naririto.
4. Filipino- naglalaman ng maraming parabula ang mga ebanghelyo ng Panginoong Jesus upang maabot niya ang puso ng mga tagapakinig sa kanya.
5. At marami pang iba.
Ang paksa na nasa Bibliya ay isa dapat na maging layunin ng simbahan kung saan nagbibigay leksyon para lahat ng taong gustong makinabang na lubos nito. Maari lamang matutuman ang mga laman na topiko sa Bibliya kung ito'y bigyan ng panahon sa pag-aral ng mabuti. Ang lahat ng katotohanan ay pawang nakasaad lamang sa Bibliya at wala sa kahit anong aklat.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa parabula sa Bibliya ay maaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/634525