Sa iyong palagay, bakit pinamagatang Anim na Sabado ng Beyblade ang bahagi ng kuwentong iyong binasa?

Sagot :

Answer:

Sapagkat ang mga pangyayari sa kwento ay may anim na sabado. Sa anim na sabadong iyon ay limang Sabado lagi na kay Rebo ang beyblade. Pinakapaboritong laruin ni Rebo ang beyblade kung kayat nasisiyahan siya nito. Sa bawat sabado ay may mga pangyayaring naganap sa buhay ni Rebo.

Explanation:

Halimbawang kaganapan:

1. Unang Sabado- nakatanggap ng regalong beyblade at naging laruan niya.  

2. Pangalawang Sabado- panahon na ng kanyang kaarawan at nakikita ng ama ni Rebo ang kanyang unti-unting panghihina.

3. Pangatlong Sabado- inaliw si Rebo ng kanyang ama sa pamamagitan ng pribadong pagtatanghal ng maskot. Nangyari na namang may kaibahan sa kanya, dahil nanglalagas na ang kanyang mga buhok at tuluyan niya itong tinanggal.  

4. Pang-apat na Sabado- nahirapan na si Rebo sa paglalaro ng beyblade dahil unti-unting nanghihina na siya at pakiramdam ay pagod ang kanyang sarili.  

5. Panlimang Sabado- di na nakayanan ni Rebo ang kanyang sakit at namatay siya sa araw ng panlimang Sabado. Sobrang napighati ang ama ni Rebo sa kanyang pagkamatay. Ni hindi man lang ito nakausap ng kanyang ama sa araw na iyon.  

6. Pang-anim sa Sabado- nasa loob na ng kabaong si Rebo. At katapusan na ng kanyang buhay na makapiling ang ama nito.  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa buong kwento ng beyblade ay maaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/129485

Nakakalungkot ang kwentong ito kung kayat maraming aral ang makukuha tungkol sa kanyang ama.  

Mga matutuhan sa kwentong anim na Sabado:

  • Ang ama ni Rebo ay hindi nawawalan ng pag-asa sa kanya.  
  • Ang bawat Sabado ng pamamaraan ng kanyang ama ay bawat Sabado ding kalungkutan nito.  
  • Gumagawa ng mabuting bagay ang ama ni Rebo na akma naman sa araw ng Sabado.  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa anim na Sabado ng beyblade ay maaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/338162

Dahil sa may malubhang sakit Rebo ay naging anim lang na sabado ang kanyang buhay. Ang beyblade ay isang regalo lang ng kaarawan ni Rebo ngunit naibigay ito ng mas maaga pa dahil abante ang pagdiwang nila ng kanyang kaarawan.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng bayblade?  

Beyblade:

1. Isang uri ng laruan na umiikot sa may tuktok, at ang gumawa nito ay si Takara Tomy.

2. Nilathala ito mula sa Japan.  

Para sa karagdagang impormasyon sa aral ng kwentong anim na Sabado sa beyblade ay maaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/356864