Ang pamilya ang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Sa pamilya unang hinubog ang kaugalian, paniniwala at prinsipyo ng kabataan. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan pwedeng disiplinahin ang mga kabataan at kung saan sila pwedeng matuto sa mga bagay-bagay upang maging kapaki-pakinabang sila sa lipunan pagdating ng araw.