ano ang pangatnig na panlinaw

Sagot :

Answer:

Pangatnig na Panlinaw - ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.

Halimbawa:  kaya, kung gayon

Mga Halimbawa na Ginamit sa Pangungusap

  1. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
  2. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.
  3. Wala akong masakyang dyip kaya napilitang akong maglakad pauwi.
  4. Bukas ay amin ng pagsusullit kaya mag-aaral ako mamaya n gaming mga aralin.
  5. Nagaway ang magkaibigang Ana at Belen, kung gayon sila ay hindi na nagpapansinan.

Iba pag mga uri ng pangatnig:

  1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.
  2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana.  
  3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit.
  4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.  
  5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.
  6. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang  impormasyon at kaisipan, gaya ng: at - saka, pati, kaya, anupa’t.
  7. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang akin/iyo, di umano.
  8. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya rin, kung gaano…siya rin.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Kahalagahan at Halimbawa ng Pangatnig: brainly.ph/question/391438

#BetterWihBrainly