Sagot :
Ang tatlong babae na tumahi ng Watawat ng Pilipinas ay sina Marcela Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza, at ang pamangkin ni Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad. Tinahi ang unang watawat sa Hongkong taong 1897
Ang disenyo ng watawat ay galing kay Heneral Aguinaldo na ibinigay sa kanila sa Hongkong nung panahon na pinaalis siya ng Amerikano sa Pilipinas.
Unang itinaas ang Watawat ng Pilipinas
Unang iwinagayway ang Watatawat ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite nang ipahayag ang ating kalayaan mula sa pananakop ng mga banyaga habang pinapatugtog ang Marcha Filipina Magdalo na sinulat ni Julian Felipe na kalauna'y pinalitan ng titulong Marcha Nacional Filipina. Ang deklarasyon ng kalayaan ay nilagdaan ng 98 katao.
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa Kung kelan itinaas ang watawat ng Pilipinas tignan ang link na ito: brainly.ph/question/49278
Simbolo ng watawat ng Pilipinas
Araw na may walong silahis – Kinakatawan nito ang unang walong probinsiya na unang nag-alsa laban sa mga Espanyol. Ito ay ang
- Cavite
- Laguna
- Batangas
- Maynila
- Tarlac
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Bulakan
Tatlong bituin – Kumakatawan sa tatlong pangunahing isla ng bansa.
- Luzon
- Visayas
- Mindanao
Puting triyangulo -Sumasagisag sa Katipunan.
Ang kulay puti -ay sumasagisag sa kadalisayan at pagkakapantay-pantay.
Kulay pula – Ito ay sumasagisag sa kagitingan at pagkamakabayan.
Kulay asul – Sumasagisag ito sa kapayapaan! katotohanan at katarungan.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Simbolo ng watawat ng Pilipinas tignan ang link na ito: brainly.ph/question/2028667
Kahalagahan ng Pambansang Watawat
- Isa sa pinakamagandang simbolo ng ating bansa ay ang pambansang Watawat . Inilalarawan nito ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga dayuhan, ito ay sumasagisag sa kalayaan. Kung kaya't ating ipagmalaki at igalang sa lahat ng oras ang ating pambansang watawat.
- Ang watawat ng Pilipinas ay simbulo ng isang demokratikong Republika ng Pilipinas at lahat ng pinanindigan nito. Sa pagbibigay galang at pagmamahal dito, ipinaaalala natin sa bawat isa na tayo ay may isang disiplinado, mapagmahal, mapagtiis at masipag na lahi.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Kahalagahan ng pambansang watawat tignan ang link na ito: brainly.ph/question/775736