Ang baul o kaban ay tumutukoy sa lalagyan ng mga dala-dalahan ng isang taong naglalakbay o bumibiyahe noong unang panahon. Ang sisidlan na ito ay karaniwang ginagamit bilang isang lagayan ng mga damit at mahahalagang gamit ng mga unang Pilipino. Ang kasingkahulugan nito na ginagamit sa panahon ngayon ay maleta.