ano ang pagkakaiba nang mito at mitolohiya ?

Sagot :

Ang mito ay isang representasyon ng labis n pangarap at takot ng mga ninuno. Ito ay naging batayan upang maunawaan ang misteryo ng pinagmulan ng mundo,tao at ng ibang nilalang samantalang ang mitolohiya naman ay isang pag-aaral ng mga alamat o mito. Ito ay kalipunan  ng mga mito mula sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos at diyosang sinasamba ng mga sinaunang tao noong unang panahon.