Ano ang paniniwala ng pilipinas? Magbigay kahit ilan lamang.

Sagot :

Sa Kusina: Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari. Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto. Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata. Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan. Sa Kasal: Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila. Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin. Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan. Kapag may sumakabilang-buhay Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo. Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto. Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong – upang hindi sila guluhin ng namayapa. Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan. Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto