Si Cupid ay isang imortal na anak ng Diyosa ng kagandahan na si Venus, siya ay kilalang mapagmahal, matapang, at matulungin lalo na sa mga taong nangangailangan sa kanya subalit may isang kahinaan siya na malinaw na inilahad sa kuwento. Mahina ang kanyang paninindigan noong mas pinili niyang hindi magpakilala kay Psyche kahit mag-asawa na sila at mas pinili niya pa ring magbalat-kayo.