MALAMIG BA ANG KONTINENTE NG ANTARTICA


Sagot :

Oo dahil ang Antarctica ay isang kontinente na may pinaka mababang temperatura sa buong mundo.  Halos natatakluban ng yelo ang kabuuan ng kontinenteng ito kaya ito ang pinaka malamig na lugar sa daigdig.

May lawak itong  13,200,000 km² at pinapalibutan ito ng Katimugang Dulo ng Daigdig. Ito ang may pinakamaliit na populasyon sa mga kontinente. Ang Antarctica ang siyang panglimang pinaka malaking kontinente.

Ano ang Kontinente?

Ang kontinente ay ang pinaka malaking uri ng anyong lupa. Ang daigdig ay may pitong kontinente at ang bawat kontinente ay binubuo ng mga magkakaratig na bansa.

Iba pang kontinente

Asya

  • Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at lawak sa lahat ng kontinente sa daigdig. Ang populasyon nito ay 60% ng kabuuang populasyon ng buong mundo. Tinagurian itong isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan. Ang mga kabihasnanang nakilala dito ay ang Tsina, India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko.

Europa

  • Ang Europa ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa daigdig. Ang pinaka malaking bansa nito ay ang Rusya at ang pinakamaliit na bansa naman nito ay ang Banal na Lungsod ng Vaticano. Ito ay itinuturing ang lugar na kapanganakan ng kulturang Kanluranin.

Aprika

  • Ang kontinenteng Aprika ang pangalawang pinakamalaking kontinente at pangalawa din sa may pinaka malaking populasyon sa daigdig. Ang Aprika ay binubuo ng 54 na kinikilalang mga estado o bansa, siyam na teritoryo  at dalawang estadong may limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng ito. Aprikano ang tawag sa mga lalaki dito at Aprikana naman ang tawag sa mga babaeng naninirahan dito.

Australia

  • Ang Australia ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa daigdig. Ito ay isang maunlad na bansa at isa sa mga pinakamayaman sa mundo. Ito din ay isang pederasyon at pinamamahalaan bilang parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal.

Hilagang Amerika

  • Ang Hilagang Amerika ay nasa hilagang hemisperyo at halos nasa kanlurang hemisperyo ng daigdig. Ito ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente at ikaapat sa may pinaka malaking populasyon sa daigdig. Nasa paligid nito ang Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang Karagatang Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean sa timog-silangan, at Hilagang Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran.

Timog Amerika

  • Ang Timog Amerika ay nasa Kanlurang Hemispero sa pagitan ng mga karagatang Pasipiko at Atlantiko. Ang kontinenteng ito ay pinangalanan din kay Amerigo Vespucci, na isang Europeo. Ang Timog Amerika ang pang-apat sa pinaka malaking kontinente sa daigdig.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pakang ito, maaaring magpunta sa mga link na ito:

PAANO NABUO ANG MGA KONTINENTE NG DAIGDIG: brainly.ph/question/156298

Ano ang lokasyon ng antarctica:

brainly.ph/question/155409

#LetsStudy