Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Ito ay matatagpuan sa Hilagang hemispero ng mundo. Binubuo nito ang isang-katlo o 1/3 ng kalupaan ng buong mundo at tinatayang may sukat na 17,212,000 sq mi. Ilan sa mga bansang sa Asya ay ang Tsina, Pilipinas, Hapon, Singapore, Turkey, Saudi Arabia, Afghanistan at Iraq.