Sagot :
Ang kahulugan ng Prime Meridian ay ang pinakagitnang guhit na patayo na humahati sa globo sa silangan at kanlurang hating-globo. Ito ay bumabagtas sa Greenwich, England at nasa zero degree longhitud.
Mula sa Prime Meridian, ang layo ng isang lugar ay 0 degree hanggang 180 degree pasilangan o pakanluran.
Mga Linya sa Globo
- Prime Meridian
- International Date Line
- Ekwador
- Longhitud
- Latitud
- Grid - Parilya
Para sa mas detalyadong kaalaman ukol sa mga linya ng Globo bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/320943
Kahalagahan ng Prime Meridian
- Ang Prime meridian ay longitude. Ang lahat ng mga longhitude ay may parehong kahalagahan ngunit sa tulong ng Prime meridian (0 ° longitude) maaari kang mag-navigate kung kayo ay pupunta sa silangan o kanluran. Maaari mong sabihin ang prime meridian ay ang boundary ng East at West sa mundo.
- Nakatutulong din sa pagtukoy ng time zone. Kapag pumunta ka sa direksyon sa silangan mula sa prime meridian ang oras na pagtaas ng 4 minuto bawat antas ng longitude at nababawasan ng 4 minuto bawat antas ng longitude kung patungo ka sa kanluran ng prime meridian meridian.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Kahalagahan ng Prime Meridian tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/284509
Mga bahagi ng Globo
- Ekwador - Ito ang humahati sa globo sa dalawang magkasinlaking bahagi .
- Latitude - Guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador.
- Longitude - Ito ang mga patayong guhit na naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog. Kahanay ito ng punong meridyano at gingamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan at pakanluran mula sa punong meridyano.
- Prime Meridian – Makikita ang guhit na ito sa panuntunang 0°. Kilala din itong sa ngalang Greenwich dahil naglalagos ito sa Greenwich, Inglatera.
- Internasyunal na Guhit ng Petsa - Matatagpuan sa 180° meridyano. Ang pagpapalit ng petsa at oras ay nangyayari sa bahaging ito.
- Grid o Parilya - Ito ay nabubuo kapag pinagsama o nagkatagpu-tagpo ang guhit latitud at guhit longhitud.
- Hilagang Hating Globo – Nasa itaas na bahagi ng ekwador.
- Timog Hating Globo – Nasa ibabang bahagi ng ekwador.
- Hilagang Tropiko o Tropiko Kanser - Isa sa limang panukat ng digri o pangunahing mga bilog ng latitud na minamarkahan ang mga mapa ng Daigdig.
- Tropiko ng Kaprikorn o Katimugang tropiko - Ito ay isa sa limang pangunahing mga bilog ng latitud na nagmamarka sa mga mapa ng Daigdig. Kasalukuyan (Epoka 2010) itong nakahimlay sa 23º 26′ 17″ timog ng ekuwador.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa bahagi ng Globo tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/565646