implowensya ng radio,tv at iba pang teknolohiya


Sagot :

Ang impluwensya ng telebsyon sa mga kabataan ay may negatibo at positibo na epekto. Sa telebisyon sinasabi ng mga eksperto na kapag ang mga kabataan ay nanonood ng masyadong mga bayolente na palabas sila ay may tendency na maging bayolente sa kanilang pamimuhay. Maaring sila ay maging mahilig makipag away o’ makipagsuntutkan. Mga kantang may mga sexual na lyrico na kanilang napapanood at nakikita sa MTV ay masama rin dahil sila ay maaring mamulat kaagad sa sex at sinasabi na ang mga kabataan na nakakpanood ng ganito ay nakikipagtalik na kaagad dahil ito ay kanilang nakikita at naririnig sa mga lyrico ng kanta. Madali rin makaimpluwensya ang mga commercial sa T.V lalo na ang mga commercial na may mga mapapayat at sexy na modelo. Ang mga kabataan na nakaknood nito ay nahuhumaling sa magandang katawan ng mga modelong ito at sila ay paminsan nagiging anorexic dahil kapag nakikita nila ang mga ganito kapayat na katawan gusto nila maging ganito rin katulad nila. Para sakanila kapag ganito sila kapayat ibig sabihin sila ay maganda kaya ang mga kabataan ay nagpapayat ng ganito ngunit sa tingin nila kapag mas payat pa sila dito sila ay mas gaganda pa kaysa sa mga modelo sa telebisyon.