ano ang kahulugan ng daigdig


Sagot :

Ano ang kahulugan ng daigdig?

•  Ang daigdig ang ang tahanan ng mga tao. Ito ay isang lugar kung saan nabubuhay ang lahat ng may buhay katulad ng hayop , tao at halaman

• Maraming teorya  ang nabuo kung ano ba talaga ang pinagmulan ng daigdig ngunit nananatili paring palaisipan sa tao kung paano nagsimula ang daigdig o kung saan ito nanggaling. Maraming na ding  siyentipiko at dalubhasa ang nagsagawa ng pag-aaral para tuklasin ang pinagmulan ng daigdig. Naglahad sila ng mga teorya at patunay tungkol sa pinagmulan ng daigdig

  • Ito ay binubuo ng lupa at tubig na magagamit ng tao at hayop upang mabuhay.
  • Ito ay isa sa planeta na matatagpuan sa universe.

Ano ba ang katangiang pisikal ng daigdig:

1.  0° latitud na humigit-kumulang 12,762 kilometro.

2. Ang diyametro nito mula sa hilaga hanggang sa timog polo ay 12,740 kilometro.

3. May kabuuan itong sukat na 510 milyong kilometro kuwadrado.

4. Ang hugis ng daigdig ay oblate spheroid o hugis bilog-haba na medyo patag ang ibabaw at ilalim na bahagi.

5. Ang kalupaan ng daigdig ay may kabuuang sukat na 149 milyong kilometro kuwadrado o 29.2% ng kabuuang sukat ng daigdig.

6. Ang katubigan naman ay may kabuuang sukat na 361 milyong kilometro kuwadrado o 70.8 % ng kabuuang sukat ng daigdig.

NARITO ANG MGA TEORYA NA NAGPALIWANAG KUNG SAAN NAGMULA ANG DAIGDIG o MUNDO

1. Ang teoryang makarelehiyon o creationism  

2. Ang teoryang makaagham o evolutionism.

Ang teoryang makarelihiyon ay nagpapaliwanag ng pinagmulan ng daigdig batay sa nakasulat sa bibliya.

Ang teoryang makaagham ay nagpapaliwanag sa pinagmulan ng daigdig batay sa siyentipikong pag-aaral ng mga ebidensiyang nakalap sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Para sa iba pang impormasyon basahin sa:

brainly.ph/question/2191855

brainly.ph/question/137558

#BETTERWITHBRAINLY