ano ang lahing austronesian?


Sagot :

Ang lahing Austronesian ay tinatawag ding lahing Austrenesyano. May mga naniniwala na ang lahing Austronesian ay ang pinagmulan o ninuno ng mga Pilipino. Ang lahing Austronesian ay kilala bilang mga magagaling na mandaragat. Ito rin ang dahilan kung bakit naging mabilis at malawak ang pagkalat nila noong unang panahon. Kaugnay nito, ang mga tao galing sa lahing Austronesian ay may kayumangging balat.  

Narito ang iba pang mga detalye tungkol dito.  

Mga Pinaniniwalaang Pinagmulan ng Lahing Austronesian  

Narito ang dalawang mga teorya kung saan nga ba nanggaling ang lahing Austronesian:  

  1. Sila ay pinaniniwalaang galing sa Tangway ng Malayo o kilala rin bilang "Malay Peninsula" sa Wikang Ingles. Dahil sa tangway na ito, nakarating sila sa iba’t ibang mga lugar kagaya ng Pilipinas, Indonesia, Madagascar at Pasipiko.  
  2. Sila rin ay pinaniniwalaang nanggaling sa Talampas ng Tunnan na matatagpuan sa bansang Tsina.  

Mga Katangian ng lahing Austronesian  

  • Ang mga Austronesian ay magagaling o mahuhusay na mandaragat. Ito rin ang dahilan kung bakit naging mabilis at malawak ang pagkalat nila noong unang panahon. Kumalat ang mga Austronesian sa patimog at pakanluran ng mundo.  
  • Dahil sa pagkalat ng kultura nila, tinawag silang Malayo-Polynesian.
  • Nang kalaunan, noong ika-20 na siglo, tinawag ang mga Austranesyano na mga Austronesian. Ano ang kahulugan ng Austronesian? https://brainly.ph/question/123698, Ano ang lahing Austronesian? https://brainly.ph/question/120605 at https://brainly.ph/question/316985  
  • Ang lahing ito ay tinatawag ding “Lahing Kayumanggi” dahil sa kulay ng kanilang balat.  

Rason kung bakit pinaniniwalaang galing sa mga Austronesian ang mga Pilipino  

Nauugnay sa lahing Austronesian ang pinagmulan ng mga Pilipino. Ito ang dalawa sa mga dahilan kung bakit:

  1. May mga pagkakahawig sa kultura at wika ang mga Austronesian at mga Pilipino.  
  2. Maraming mga wika sa Pilipinas ang may kaugnayan sa wika ng mga Austronesian.

Iyan ang mga detalye tungkol sa kahulugan ng lahing Austronesian.