Sagot :
Napakarami at iba't iba ang paniniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean. Ito ay dahil sa kadahilanang magkaiba ang naging pinagdaanan at prinsipyo ng bawat lugar. Ang mga taga- Mediterranean ay naniniwalang sila ang humubog at nagpabago ng lahat
ng uri ng panitikan sa buong mundo dahil sila ang nakatuklas ng sistema ng
pagsusulat. Pinaniniwalaang sa kanila nagmula ang maraming akda sa mitolohiya,
epiko, nobela at iba pang panitikan. Sa panitikang Mediterranean nakabatay ang halos lahat ng modernong
panitikan ng mga bansa sa ngayon. Nagiging tanyag ang pagiging pagkamalikhain at
mahusay nito sa lahat ng bagay. Kabilang sa kanilang natuklasan
ay ang sistematikong paraan ng pagsusulat, ang cuneiform.Ang pamumuhay
ng mga taga-Mediterranean ay pangunahing nakasalalay sa agrikultura dahil sa
kanilang lokasyon. Ang Mediterranean ay matatagpuan malapit sa sentro ng
kabihasnan kung saan pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay.