Sagot :
Ang mga bansang kabilang sa Mediterrean ay ang mga sumusunod:
Baybayin ng Timog Europa, mula sa kanluran hanggang sa silangan
Spain, Gibraltar (isang teritoryo ng British Overseas), France, Monaco, Italy, Malta, Slovenia, Croatia, Bosnia and Herzegovina, Montenegro, Albania, Greece at Turkey.
Baybayin ng Levantine, mula hilaga hanggang timog
Syria, Cyprus, Lebanon, Israel, at Palestine.
Baybayin ng Hilagang Africa, mula sa silangan hanggang kanluran
Egypt, Libya, Tunisia, Algeria at Morocco.
Ang mga bansang ito ay nakapaligid sa Dagat Mediteraneo.
Ano ang Mediterrean?
Ang Dagat Mediteraneo o Mediterrean Sea ay anyong tubig na naghihiwalay sa Europa, Africa at Asya. Ito ay konektado sa Karagatang Atlantiko sa pamamagitan ng isang makitid na daanan na tinatawag na Strait of Gibraltar. Ang dagat ay halos ganap na napapaligiran ng lupa, sa hilaga ng Europa, sa timog ng hilagang Africa, at sa silangan ng Gitnang Silangan. Ang pangalan nito ay naimbento sa mga unang bahagi ng middle ages mula sa mga salitang Latin para sa "sa gitna ng lupain". Tinatawag din itong Mediteraneo, Mediteranyo, o Mediteranea sa tagalog. May sukat itong 2.5 milyong km² (965,000 mi kuw). Ang dagat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at paglalakbay noong sinaunang panahon.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Bakit mahalaga sa mga Roman ang pagkontrol sa Mediterranean Sea?: https://brainly.ph/question/237314
#LearnWithBrainly