Sagot :
Answer:
Narito ang kasagutan kung paano nagwakas ang kwentong “Ang Ama”.
Wakas ng kwento ng “Ang Ama”.
- Ang kwento ay nagtapos sa pagsisi ng ama.
- Ang pag-iisip niya na siya ay magbabago na para sa kanyang mga anak.
- Ang pagkakagulo ng mga bata sa mga naiwang pagkaing inalay ng ama sa batang si Mui Mui.
- Sa huli ang kwento ay nagtapos na may lungkot at pag- asa.
I-Click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
https://brainly.ph/question/604761
https://brainly.ph/question/319773
https://brainly.ph/question/334777
Explanation:
Ang Ama
Isinalin ni Mauro R. Avena
- Dahil sa pagmamalupit at pananakit ng ama sa kanyang mga anak at asawa. Isa sa kanyang naging biktima ay ang kanyang anak na si Mui Mui. Namatay ito dahil sa ginawa niyang pananakit dito. Ngunit mapuno man ng pighati at pagsisi ang kanyang puso wala na ang batang kanyang pinagmalupitan.
- Sa huli nakapag isip ang ama na siya ang magbabago na para sa kanyang mga anak. Isang desiyon na kanyang gustong panindigan.
- Ang piging na pinagsaluhan ng mga bata, sa kanilang isipan di na nila mararanasang muli. Ang piging na kanilang pinagsasaluhan ay ang mga natirang pagkain na inalay ng kanilang ama sa namatay nilang kapatid na si Mui Mui.
- Ang kwento ay nagtapos sa kalungkutan ng ama dahil sa mga nangyari sa kanyang anak ngunit ang kwento ay nagtatapos din sa pagbibigay ng bagong pag asa. Pag-asa na magbabago ang pangunahing tauhan dahil sa binitiwan nitong pangako.