Ano ang kahulugan ng panitikan

Sagot :

Ang kahulugan ng panitikan ay ang repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng tao. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), at ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Ang panitikan ay nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ngpag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/120770

Dalawang Uri ng Panitikan

  1. Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong.
  2. Tuluyan o Prosa –  ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/118521

Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino

  • At nang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinohan ng lahing ating pinagmulan.
  • At nang malaman natin na tayo ay may dangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang lugar.
  • At nang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
  • At nang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.
  • Bilang mga Pilipino na mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/608698