Kinakailangan nating alamin ang mga akdang pampanitikan na sumasalamin sa Mindanao sapagkat ito ang nagsisilbing rekord ng kasaysayan nito. Sa pamamagitan ng ating kaalaman sa panitikan ng Mindanao ay maiintindihan natin ang mga dahilan ng kanilang pangkalahatang desisyon para sa mamamayan at maging sa mga ari-arian.