Magbigay ng pangungusap na nagsasaad na saloobin na malungkot takot pagka gulat at panghihinayang


Sagot :

Answer:

Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Saloobin

Kalungkutan

  • Ilang araw ko nang hinihintay bumalik ang aming aso, ngunit wala pa rin.
  • Pagdating ko sa paaralan, isang masakit na balita ang natanggap ko na pumanaw na aking lolo.
  • Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko ngunit hindi pa rin ako nakapasa sa klase.
  • Ang sakit isipin na wala na kami ng kasintahan kong si Justin.
  • Niloloko lang pala ako ng dati kong kaibigan na si Jesse, umasa ako ng lubusan.

Takot

  • Lagot ako dito, baka madatnan ako ng nanay ko dito na hindi pa ako nakakalinis sa bahay.
  • May napansin akong ibang tao sa salamin sa harapan, ngunit pagtingin ko sa likod wala naman kaming kasama ni Jenny.
  • Malakas ang tibok ng puso ko dahil baka mahuli ako ng aming guro dito sa pinagtataguan ko.
  • Mag-isa lang akong naglilinis dito sa silid at biglang sumarado ang pintuan.
  • Hindi ako makagalaw, dahil itim lahat nakikita ko sapagkat walang ilaw.

Pagka-gulat

  • Paglabas ko sa kwarto nabigla ako sa isang napakalakas na torotot sa aking mga pinsan.
  • Hindi inaasahan ni Bella na isosorpresa pala siya ng boyfriend niya sa kanilang anibersaryo.
  • Biglang nagkagulo at nag-iingay lahat ng tao dito sa barangay dahil sa  pagsabog.
  • Paparating na ang mga Pulis!
  • Tulong, May sunog sa kapitbahay!

Paghihinayang

  • Sabik na sabik na akong makabili ng icecream sa Donnabelle ngunit pagpunta ko doon sirado sila.
  • Akala ko sa akin na mapupunta ang pinakamalaking premyo, ngunit nagkakamali pala ako.
  • Sana kinain ko nalang iyong bigay ni ate, panis na tuloy.
  • Nagkamali ako sa aking ginawa, ako pa ang nagmukhang kawawa.
  • Bumili nalang sana ako sa mall noong pumunta ako kahapon, hindi ko inaasahan na mauubos bigla.

Read more:

https://brainly.ph/question/310729

https://brainly.ph/question/306091

#AnswerForTrees

#BrainlyLearnAtHome

#StaySafeWithBrainly