ano ang kahulugan ng pacific ocean

Sagot :

Ano ang kahulugan ng Pacific Ocean?

Ang Pacific Ocean o Dagat Pasipiko ay ang tawag sa pinaka malaking katawang tubig sa buong mundo.  

Mga katotohan tungkol sa Pacific Ocean.

  • Ito ay napapaligiran ng limang kontinente
  1. Asya (Asia)
  2. Australia
  3. Hilagang Amerika (North America)
  4. Timog Amerika (South America)
  5. Antarctica
  • Dito matatagpuan ang Mariana Trench at ang bahagi nito na kung tawagin ay Challenger Deep na sinasabing pinakamalalim na bahagi ng karagatan sa mundo.
  • Dito nag-uumpisa ang mga bagyo na tumatama sa Timog Silangan at Hilagang Asya. Ang mga bagyong nagmumula sa Pacific Ocean ay tinatawag na typhoon.
  • Ang Dagat Pasipiko ay napapaligiran ng 452 na mga bulkan (volcanoes) na matatagpuan sa mga kontinente at bansang nakapaligid dito. Ito ang dahilan kung bakit ito tinatawag na Pacific Ring of Fire.
  • Pinagmumulan ang paligid nito ng malalakas na lindol na maaaring lumikha ng mataas na alon (Tsunami) na may kakayahang maminsala sa kabilang panig ng Pacific Ocean.  

Dagdag kaalaman:

Ang Pilipinas ay kasama sa mga bansang matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean.

I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

What is an tsunami? https://brainly.ph/question/1743108

Volcano concept map answer https://brainly.ph/question/1952021

Ano ang ring of fire? https://brainly.ph/question/94503