Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?

Sagot :

Ang komunidad ay kadalasang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan, mag-anak o kabahayan na may pinasasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na pagsasamahang panlipunan.Ito din ay minsang tinatawag na pamayanan. Ang kumunidad ay binubuo ng mga institusyon tulad ng paaralan at simbahan, mga gusali at mga kabahya na nakakatulong sa mga mamamayan sa pang-araw araw na pamumuhay lalo na sa paghubog ng mga kabataan. Samantala, ang Lipunan naman ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian ng mga pagkakaugnay ng mga naiibang kultura o institusyon.