Ang paghahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.
a. Pahambing na Pasahol o Palamang - nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasino, at iba pa.
Halimbawa:
Mas mabuti ang pagbabasa ng aklat kaysa pagbababad sa harap ng internet.
b. Pahambing na Patulad - nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho.
Halimbawa:
Ang pagputol ng mga puno at paggamit ng mga kemikal ay parehas na masama dahil sinisira nito ang ating kapaligiran.
--
:)