Ano ang PAHMBING NA MAGKATULAD at DI-MAGKATULAD?

Sagot :

1.) Masasabing pahambing na magkatulad ang ginamit pag ang hinahambing ay nasa parehong lebel o magkatulad ang antas. Gumagamit ito ng tulad, pareho, sing, magkasing, kasing at iba pa.
Hal. Magkasingsarap ang tinapay at saging.

2.) Masasabing pahambing na di-magkatulad ang ginamit pag ang hinahambing ay magkaiba ang lebel o antas. May 2 uri ito:

a.) Pasahol
            - pag ang hinahambing ay mas maliit pa ang antas. Gumagamit ng di-gaano, di-gasino, lalo, at iba pa.
Hal. Di-gaanong madali ang Filipino kaysa ESP.

b.) Palamang
             - pag ang hinahambing ay mas mataas pa ang lebel. Gumagamit ng higit pa, mas, at iba pa.
Hal. Mas gusto ko ang Math kaysa Mapeh.