Napakarami at iba't
iba ang paniniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean. Ito ay dahil sa
kadahilanang magkaiba ang naging pinagdaanan at prinsipyo ng bawat
lugar. Ang mga taga- Mediterranean ay naniniwalang sila ang humubog at
nagpabago ng lahat ng uri ng panitikan sa buong mundo dahil sila ang nakatuklas
ng sistema ng pagsusulat. Pinaniniwalaang sa kanila nagmula ang maraming akda
sa mitolohiya, epiko, nobela at iba pang panitikan. Sa panitikang
Mediterranean nakabatay ang halos lahat ng modernong panitikan ng mga
bansa sa ngayon