bakit magkakaiba ang klima sa ibat abang panig ng daigdig

Sagot :

Answer:

Bakit magkakaiba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?

  • Pangunahing salik sa pagkakaiba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansya mula sa karagatan at taas mula sa sea level.
  • Magkakaiba rin ang klima at panahon sa daigidig dahil sa mga bulubundukin, bundok, at kapatagan sa iba’t ibang panig ng mundo. Sanhi rin ng pabago bago ang lakas at direksyong pinanggagalingan ng hangin na pumapasok sa isang bansa.
  • Kaya ito ang mga dahilan kung bakit mainit dito sa ating bansa dahil ang Pilipinas ay makikita sa  equator kung saan, direktang nasisinagan ng ito ng araw. Hindi katulad sa Antartica at Artic, na kung saan, masyadong napakalamig sa kadahilanang hindi ito direktahang nasisinagan sa araw.

Ano ba ang klima?

Ang klima ay ang kabubuang kalagayan ng panahon na tumatagal sa isang bansa. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa isang partikular na lugar sa loob ng mahabang panahon at sa kasalukuyang panahon. Ito ang pangkaraniwan at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon (weather) sa isang takdang lugar o rehiyon.

Iba’t ibang Uri ng Klima sa Daigdig

  • Tag-araw o Tagtuyot – ito ang pinakamainit at pinkatuyong panahon.
  • Tag-ulan – isang uri ng klima at panahon kung saan nakakaramdam ng taglamig.
  • Taglagas – panahon pagkaraan ng tag-araw at bago pa man dumating ang taglamig.
  • Tagsibol – isang panahon pagkalipas ng tagyelo at bago sumapit ang tag-init o tag-araw.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na nasa ibaba:

Kahulugan ng Klima at Panahon: https://brainly.ph/question/584479

#BetterWithBrainly