Ano ang dalawang uri ng panitikan?

Sagot :

Dalawang Uri ng Panitikan:

  • Patula
  • Prosa o Tuluyan

Ang patula ay uri ng panitikan na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama sama ng mga malikhaing salita sa bawat taludtod na may sukat o bilang ang pantig at may tugma sa hulihan ng bawat taludtod. Ito ay kinabibilangan ng mga liriko, patnigan, tulang pantanghalan, at tulang pasalaysay. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang "Sa Dalampasigan" ni Teodoro A. Agoncillo, "Isang Punungkahoy" ni Jose Corazon de Jesus, at "Sa Aking mga Kabata" ni Dr. Jose Rizal.

Upang higit na maunawaan ang mga panitikang patula, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/145689

Ang prosa o tuluyan ay uri ng panitikan na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama sama ng mga salita upang makabuo ng isang pangungusap. Sapagkat ito ay malayang pagsulat, walang limitasyon o hindi pinipigilan ang paggamit ng mga pangungusap ng may - akda. Ito ay kinabibilangan ng mga alamat, balita, dula, editoryal, maikling kwento, nobela, pabula, sanaysay, at talambuhay. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Alamat ng Lanzones, mga pabulang isinulat ni Aesop tulad ng "Ang Inahing Manok at ang Kanyang mga Sisiw", at ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo at Noli Me Tangere.

Upang higit na maunawaan ang panitikang prosa o tuluyan, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/1491385

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa mga uri ng panitikan, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/1487403

Answer:

Ang dalawang uri ng panitikan ay ang tuluyan o prosa at mga tula.

Explanation:

Ang mga sulatin ay nauuri sa dalawa pangunahin na ayon sa paraan ng pagkakasulat nito. Tignan natin ang pagkakaiba ng dalawang uri ng panitikan at ang mga halimbawa nito.

Ang anyong tuluyan o prosa ay ang mas natural na pagkakasulat. Tuloy-tuloy at gumagamit ng mga pangungusap at talata. Walang binibilang na mga salita o tunog na kinakailangang itugma sa iba pang salita. Naglalayon itong makapagpahayag sa mas malayang pamamaraan. Nakadepende ang kagandahan nito sa kung paano bubuuin ng manunulat ang pagkakasunod-sunod na mga pangyayari.

May dalawang uri ng tuluyan. Ito ang kathang-isip at di-kathang isip.

Tignan natin ang mga sumusunod na halimbawa:

Kathang-Isip

  • Alamat (Ang Alamat ng PInya, Ang Alamat ng Lanzones)
  • Mito (Si Malakas at Si Maganda)
  • Kwentong Bayan (Ang Diwata ng Karagatan)
  • Kwentong Pambata (Juan Tamad)

Di Kathang-Isip

  • Biograpiya (Ang Talambuhay ni Jose Rizal)
  • Sanaysay (Laging Handa, Laging Handa, mga sulatin ni Jessica Zafra)
  • Talaarawan (Ang Talaarawan ni Emilio Aguinaldo)
  • Balita

Sa kabilang banda, ang tulaan naman ay pagpapahayag ng isang manunulat sa pamamagitan ng mga may sukat, bilang, at espesyal na pagkakaayos upang sa malikhaing paraan ay makapagpadala ng mensahe o ng emosyon sa mga mambabasa.

Ito ang ilan sa mga halimabawa:

  • Bugtong Epiko (Lam-ang)
  • Tula (Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal)