Ang pamumuhay
ng mga taga-Mediterranean ay pangunahing nakasalalay sa agrikultura dahil sa
kanilang lokasyon. Ang Mediterranean ay matatagpuan malapit sa sentro ng
kabihasnan kung saan pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay. Sa lugar na ito
mararanasan ang sapat na pantustos na tubig para sa mga pananim.