Ang karunungang bayan ay isa sa mga sinaunang panitikan ng
Pilipinas na tumutukoy sa mga aral na nagmula sa pang-araw araw na pamumuhay ng
ating mga ninuno na nagsisilbing batayan at gabay hanggang ngayon.
Ang mga
sawikain, salawikain at kasabihan ay mga uri ng karunungang-bayan. Isang tanyag
na halimbawa ng salawikain ay ang "Puri sa harap, sa likod ay
paglibak", at "kaibigan kung meron, kung wala'y sitsaron".
samantalang ang mga halimbawa ng sawikain ay " alilang kanin, balitang
kutsero, at buwaya sa katihan. Ang mga halimbawa naman ng kasabihan ay
"ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa
paroroonan".