Ang pahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.
a. Pahambing na Pasahol o Palamang - nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasino, at iba pa.
Halimbawa:
≡ Mas matalino si Jane kaysa kay Ghi, ang kanyang matalik na kaibigan.
≡ Ang pagkain na hinanda ni nanay ay higit na masustansya kaysa sa pagkain na hinanda ng nanay ni Robbie.
b. Pahambing na Patulad - nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing.
Halimbawa:
≡ Magsindami ang nakuha naming premyo ni Hannah.
≡ Ang magkapatid na Geri at Kate ay kapwa mabait kaya hindi na nakapagtataka kung bakit madami silang kaibigan.
--
:)