ano ang lahing austronesian

Sagot :

Ang lahing Austronesian ay gumagamit ng mga wikang  tinatawag na Malayo-Polynesian o wikang Austronesian,sila ay karaniwang ng mayroong kulay kayumanggi na balat. Ayon sa pag-aaral nagmula ang mga Austronesian sa Talampas Tunnan Sa Tsina noong 200 B.C.E. Sinasabing ang lahing Austronesian din ang ninuno nating mga Pilipino, Sinasabing sa pagdating ng lahing Austronesian ay lumawak ang ating kaalaman sa agrikultura, paglalayag, pagpapaamo ng mga hayop paggawa ng mga sasakyang ginagamit sa paglalayag.

Dahilan kung bakit itinuturing na ang mga Austronesian ang ninuno ng mga Pilipino

  • Una dahil umano may mga pagkakahawig ang kultura at ang wika ng mga Pilipino sa Austronesian
  • Ang paglilibing sa mga tapayan ng mga yumao ay nakuha daw natin sa kulturang Austronesian.
  • Ang isa pa ay ang paghahabi na bahagi rin ng kulturan Autronesian na bahagi narin ng kulutra natin  ngayon.
  • Ang kaalaman sa paglalayag ay patunay din daw ng pamana sa ating ng mga Austronesian
  • Ang pagtatanim katulad ng pagpapalayan, at ibat-ibang kaalaman sa Agrikultura ay pamana din ng mga Austronesian sa atin.
  • Maging ang paggamit natin ng mga kasangkapang yari sa makinis na bato at metal ay pamana din ng mga Austronesian.

Buksan para sa karagdagang kaalaman sa Austronesian

https://brainly.ph/question/61539  

https://brainly.ph/question/309415

https://brainly.ph/question/123698