Ang
panitikang Mediterranean ay naniniwalang sila ang humubog at nagpabago ng lahat
ng uri ng panitikan sa buong mundo dahil sila ang nakatuklas ng sistema ng
pagsusulat. Pinaniniwalaang sa kanila nagmula ang maraming akda sa mitolohiya,
epiko, nobela at iba pang panitikan. Sa panitikang Mediterranean nakabatay ang halos lahat ng modernong
panitikan ng mga bansa sa ngayon.