Ang Singapore
ay napakayaman sa iba't ibang uri ng panitikan na nakasulat sa apat na
pangunahing lenggwahe tulad ng Ingles, Malaya, Mandarin at Tamil. Ipinapahayag
ng panitikan ng Singapore ang kakaibang kultura at takbo ng kanilang lipunan.
Kinabibilangan ng tula, pambatang panitikan, drama, nobela o kathang isip na
kwento ang kanilang akdang panitikan.