Masipag
Ang ibig-sabihin ng salitang masipag, ay ang katangian o kaugalian ng isang tao na ginagawa at tinatapos ang lahat ng mga responsibilidad na nakaatang sa kanya, kahit na ito ay mahirap at matagal gawin.
Mga kasing-kahulugan
• Pursigido
• Matiyaga
• Masikap
• Matiisin
• Masigasig
Halimbawa ng pangungusap
- Talagang masipag magtrabaho ang binata, dahil hindi siya basta-basta umuuwi kapag hindi pa natatapos ang kanyang mga gawain.
- Masipag ang ama ng isang bata, dahil magdamag itong nagtitinda, may makain lamang sila sa araw-araw.
- Ang masipag na si Grace, ay nagigising kahit madaling araw pa lamang, upang mag-basa at mag-aral bago pumasok sa paaralan.
#BetterAnswersAtBrainly
#CarryOnLearning