Sagot :
10 Halimbawa ng Karaniwang ayos at di Karaniwang ayos ng Pangungusap
May dalawang ayos ang pangungusap, ito ay ang mga sumusunod;
- Karaniwang Ayos
- Di-karaniwang Ayos
Karaniwang Ayos
-ito ang ayos ng pungungusap kung saan nauuna ang panaguri (tumutukoy tungkol sa simuno) bago ang simuno (ang pinag-uusapan) sa pangungusap.
Mga 10 Halimbawa ng Karaniwang ayos ng Pangungusap
- Nagsitakbuhan sa halamanan ang mga bata.
- Nagkakaisa at nagtutulungan ang mga opisyal ng San Diego.
- Naging matapat sa tungkulin si Ginang Cruz.
- Umalis ng maaga sa bahay ang mga bisita.
- Lumahok sa pambansang palaro si Baldo.
- Lumayas sa kanilang bahay si Boskie.
- Mayaman sa yamang-tao ang bansang Pilipinas.
- Maganang kumain sa umaga at hapon ang mga alaga kong hayop.
- Tumatakbo sa gita ng dilim ang kabayong puti.
- Nasa malayong lugar ang kanyang mga magulang.
Di-Karaniwang Ayos
-ito ang ayos ng pungungusap kung saan nauuna ang simuno (ang pinag-uusapan) bago ang panaguri (tumutukoy tungkol sa simuno) sa pangungusap.
Mga 10 Halimbawa ng Di-karaniwang ayos ng Pangungusap
- Ang mga bata ay nagsitakbuhan sa halamanan.
- Ang mga opisyal ng San Diego ay nagkakaisa at nagtutulungan.
- Si Ginang Cruz ay naging matapat sa tungkulin.
- Ang mga bisita ay umalis ng maaga sa bahay.
- Si Baldo ay lumahok sa pambansang palaro.
- Si Boskie ay lumayas sa kanilang bahay.
- Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa yamang-tao.
- Ang mga alaga kong hayop ay maganang kumain sa umaga at hapon.
- Ang kabayong puti ay tumatakbo sa gita ng dilim.
- Ang kanyang mga magulang ay nasa malayong lugar.
5 karaniwang ayos at 5 di karaniwang ayos tungkol sa panahon​ https://brainly.ph/question/2148330
Mag bigay ng mga halim bawa ng karaniwang ayos at di karaniwang ayos https://brainly.ph/question/2152486
Halimbawa ng pangungusap na nasa di karaniwang ayos https://brainly.ph/question/218171