Malaki ang naging impluwensiya ng Panitikang Mediterranean sa iba't ibang bansa sa Asya lalo na sa Pilipinas. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang patuloy na nanghihiram ng panitikan ng Mediterranean katulad na lang ng paggamit ng mitolohiya tungkol kina Kupido at Psyche sa mga paaralan upang mas lalong mapag-igi ang pagtuturo sa mga bata.