Ang mitolohiyang Romano ang kumakatawan ng mga kwentong tradisyunal na nauukol sa mga maalamat na pinagmulan ng Sinaunag Romano at paniniwalang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. Ang mga kwentong ito ay itinuring ng mga Sinaunang Romano na nangyari sa kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong mahimala.