Sagot :
Ang heograpiya ay pag-aaral, pagsusuri ng pisikal na katangian ng daigdig. Maari itong ibilang sa natural na agham at agham panlipunan. Sa pag-aaral nito, nauunawaan natin ang uri ng daigdig na ating ginagalawan, kung ano ang klima nito, kung paano natin iaakma ang ating sarili o paano tayo makikibagay. Ang mga salik ng Heograpiya tulad ng klima, panahon, lugar, kinaroroonan at pinagkukunan ng yaman, ay isinasaalang alang sa pag-aaral ng Kasaysayan. Ang pag-aaral ng lokasyon, tiyak na kinaroroonan batay sa digri ng latitud at longhitud ay bahagi ng Heograpiya.Bukod dito, mahalaga rin ang heograpiya upang matukoy ang direksyon. Halimbawa ay naligaw ang isang dayuhang pilipino sa ibang bansa, di sila magkaintindihan dahil sa magkaibang lingguwahe. Sabihin lamang ang kinaroroonan o ituro ang direksyon sa pamamagitan ng mga paraang Absoluto, Bisinal, Kontinental, at Insular. Maalam mo rin sa Heograpiya ang klima, panahon, at anyo ng lupa o tubig na makatutulong sa iyong pagtatanim, pangingisda, at pwede rin ang pagnenegosyo. Maraming naitutulong ang pagaaral ng Heograpiya sa Kasaysayan dahil dito mo matatagpuan o mahahanap ang historic places atbp., saan nagsimula o saan magsisimula, mga tamang lugar, mga natural disasters at kung saan lagi itong nagaganap, ETC....