Ang parabula o talinghaga ay isang karaniwang maikling kwento na naglalarawan ng moral na saloobin o espirituwal na aralin. Kadalasan nito'y hango sa mga kwento ni Hesu Kristo na itinala sa Bibliya. Ang mga salaysay nito ay malimit na nagpapayo tungkol sa isang pangyayari at isinasalarawan ang isang relihiyosong prinsipyo.