Ang kayarian naman ng talata ay nahahati sa
tatlo, panimula, panggitna at pangwakas. Isa sa mga popular na halimbawa nito ay ang kwentong "Nang minsang maligaw si Adrian" sapagkat malinaw ang pagpakita ng panimulang kaganapan, panggitna at pangwakas ng kwento. Ang panimula ay tumatalakay sa trabaho ni Adrian at personal na katangian. Ang panggitna ay tungkol sa bigat na nararamdaman nito tungkol sa responsibilidad nito samantalang ang pangwakas ay ang realisasyong ipinamulat ng tatay ni Adrian sa kanya.