Ang Heograpiya ay ang pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng mundo at ang mga yaman nito. Saklaw nito ang pag-aaral sa mga anyong lupa at anyong tubig, mga likas na yaman, ang klima at panahon nito, flora o "plant life" at fauna o "animal life" at ang distribusyon at interaksyon ng tao at nang iba pang organismo sa kapaligiran.