Anu-ano ang mga saklaw sa pag-aaral ng Heograpiya?


Sagot :

Ang mga saklaw sa pag-aaral ng Heograpiya ay ang mga sumusunod:

  1. Anyong Lupa at anyong tubig - Ang anyong lupa ay ang mga kapatagan, malalawak na mga lupain na maaaring sakahan, taniman at tayuan ng mga bahay at haligi. Ang anyong tubig ay ang mga karagatan, lawa, ilog, talon, sapa at marami pang uri ng mga katubigan sa daigdig.
  2. Likas na Yaman - Ito ay ang mga natural na nakukuha mula sa mga anyong tubig at anyong lupa.
  3. Klima at Panahon - Ito ang pangkalahatang kalagayan ng atmospera sa isang lugar sa mahabang panahon at ang kondisyon ng atmospera o himpapawid sa isang lugar sa tiyak na oras.
  4. Flora (plant life) at Fauna (animal life) - Ito ay ang mga halaman at mga hayop sa isang lugar.
  5. Ang distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/118881

Mga Sangay ng Heograpiya

  • Heograpiyang Pisikal - Ang sangay na nakatuon sa pag-aaral ng iba’t-ibang katangian at proseso ng pisikal na daigdig tulad ng paggalaw ng hangin at tubig at karaniwang nagdidikta kung malilimitahan o mapauunlad ng tao ang kaniyang pamumuhay.
  • Heograpiyang Pantao - Sangay ng heograpiya na nakatuon sa pag- aaral kung paano namumuhay ang tao sa kaniyang pisikal at kultural na kapaligiran at saklaw nito ang pag-aaral sa wika, relihiyon, ekonomiya, pamahalaan, at iba pang aspeto tulad ng distribusyon ng populasyon.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/59176

 brainly.ph/question/629427