Answer:
Ang tama at mabuti ay karaniwang pinagpapalit at ikinalilito, ngunit ang mga salitang tama at mabuti ay may pagkakaiba. Ang tama ay ang pagpili at paggawa ng wasto batay sa isang partikular ng konteksto, kagaya ng lugar, panahon at sitwasyon. Sa kabilang banda, ang mabuti naman ay anumang bagay na nakakatulong sa pagbuo ng sarili.
Explanation:
Kahulugang ng Tama
Ang tama ay ang pagpili at paggawa ng wasto batay sa isang partikular ng konteksto, kagaya ng lugar, panahon at sitwasyon. Halimbawa: Mabuti ang gamot para sa mga tao, ngunit may tamang gamot para sa isang partikular na sakit o karamdaman.
Kahulugan ng Mabuti
Ang mabuti ay anumang bagay na nakaka-ambag sa pagbuo ng sarili. Ang gabay upang malaman na ang isang bagay ay mabuti ay kapag ginagamit ang isip at puso para suriin at kilatisin ang isang bagay. Halimbawa: Mabuti ang gamot para sa mga tao. Mabuti rin ang pag-eehersisyo para sa mga tao.
Pagkakatulad
Ang tama at mabuti ay may pagkakatulad din. Ang karaniwan sa dalawang ito ay ang pagsulong sa ikabubuti ng tao at pag-iwas sa pananakit ng tao.