I. Panuto: Basahin ang mga paraan kung paano gawin ang isang bagay o Gawain. Isulat ang letra ng wastong pagkakasunod-sunod. Isulat ang sagot sa patlang.



__________1. May proyekto si Bambi sa Filipino. Pagsunod-sunurin mo ang wastong paraan ng paggawa ng penholder.

a. Linisin ang lata.

b. Gumupit ng dyaryo o magazine.

c. idikit ang ginupit na papel upang maging disenyo.

d. Kumuha ng latang walang laman.



_________ 2. Naglinis ng sapatos si Julian. Pagsunod-sunurin ang ginawa niyang hakbang.

a. lagyan ang sapatos ng pampakintab.

b. punasan ang sapatos upang maalis ang alikabok.

c. ipahid ito.

d. punasang muli ang sapatos upang kumintab ito.



_________ 3. Naghugas ng kamay si Sebastian. Pagsunod-sunurin ang ginawa niya.

a. kuskusin ang palad at likod ng mga kamay.

b. basain at sabunin ng mabuti.

c. banlawan ng mabuti sa malinis at dumadaloy na tubig.

d. isa-isahing kuskusin ang mga daliri at mga kuko lalo na ang pagitan nito.